Wednesday, June 24, 2009

"para mama!"

parang umaandar yung mga bahay habang nakatingin ako sa labas ng jeep, ang mga puno pati yung mga tao. may pumara hindi pala, yung jeep pala yung umaandar. nakababa na yung ale, aandar na naman ulet, magsisimula na naman ang paglalakbay na katulad nitong sinusulat ko ay hindi ko alam kung saan o ano ang pupuntahan pero bahala na ..haha kailangan bang maging masyadong pormal? di naman siguro ayos na siguro yung kung ano na lang yung lumabas sa isip ko pindutin ng daliri ko.

hataw yung driver nanginginig nginig pa habang iniikot yung manobela. medyo matanda na kaya madalas lumalampas, di kasi masyado marinig yung maliit na boses ng babae sa may bandang dulo ng upuan. may bata naman sa kabilang dulo, mangiyak ngiyak na dahl nahihiyang hingin yung sukli.

may exam sa anatomy kaya dikdikan sa pagbabasa yung isang estudyante kahit halos masuka na sa hilo dahil matagtag at sobrang bilis ng andar..

pauwi na galing ng palengke yung ale, ayos nga eh kasi binasa nya yung sahig ng mga napakyaw nyang isda, halos walang gustong umusog kaya napadpad sa pinakadulong upuan katbi ng timba nyang puno ng patay na isda at yelo.

iyak ng iyak yung baby kaya nilabas na ng nanay ang utong nito at pinadede yung gutom na anak..

puno na ang jeep pero si manong mukang matindi ang pangangailangan, puno na ang jeep pero sakay pa rin ng sakay, akala nya yata tren yung jeep nya..

at ako heto nakadukdok sa braso ko na nakahawak sa railings ng jeep. pagod sa trabaho, uuwi para makapagpahinga..

papara na ko.. babay!

No comments:

Post a Comment